Sunday, 21 October 2012

Ano Nga Ba ang Labag sa " HUMAN NORMS?"








Human Norm? Moralidad? Pwede bang ipaliwanag niyo sa akin kung ano nga ba ang tamang galaw para di ka lumalabag sa HUMAN NORM! Immoral! Walang delicadesa! Pano nga ba gumalaw sa saliw ng tugtog na di ka lalabag sa mga mata ng kritekong sanlibutan?

1. Mas immoral bang matatawag ang mga taong di kasal at nagsasama sa iisang bubong o ang mga taong kasal nga pero di naman pinapahalagahan ang sakramentong nag-isa sa kanila. Lokohan lang sila ng lokohan! Pretending na masaya sila pero ang totoo eh mas masaya sila sa kandungan ng iba?
2. Mas immoral bang magkarelasyon ka or mag-bf/gf ng ibang lahi o kalahi mo na para ka lang nagpalit ng damit o yung magmukmok ka na lang sa bahay mo, magiiyak at isiping wala ng taong magmamahal sau hanggang magpatiwakal ka na lang?
3. Mas immoral bang ipagsigawan mo sa buong mundo na masaya ka, na in-love ka, na u deserve someone better o yung itago mo na lang sa sarili mo at magportray ka na matino ka at batikusin ang mga tao sa paligid mo at mag maang-maangan na napakalinis mo?
4. Mas immoral ba mag-ere ng mga saloobin sa FB, iparating ang mga hinanakit mo sa taong dapat patunguhan nito o yung kumuha na lang ako ng kutsilyo at saksakin sila dahil sa simpleng sarado ang mga utak nila?
5. Mas immoral ba na maglathala ng mga larawang nagpapatunay na masaya ka nung araw na yun o a yung maglathala ka na lang ng larawang nakabitin ka at may nakasulat na RIP sau?
6. Mas immoral bang diretso ka magsalita ng sex, fuck off, iyutan and so on o yung mga taong napayumi, napakatahimik, napakapino pero nasa loob lahat ang kulo at wala ng iniisp kundi kung paanong pabagsakin ang kapwa nila?
7. Mas immoral bang nakikipagtalik ka ng walang matrimonya o yung makipag hiwalay ka dahil sa di kau compatible sa kama? ( TAKE NOTE: kailangan lang practisin niu ang safe sex! marami lang talagang tanga pagdating dito!)
8. Mas immoral bang mamili ng taong makakasama mo sa buhay o yung pakasalan na lang kung sino ang gusto ng magulang mo, kung sino ang mas may pera?
9. Mas immoral ba na ipagsigawan mo na me jowa after 2-3days of ur break up with ur EX o yung binabati mo ang asawa mo sa FB ng i love you, nagkukunwari ka na happy together kau pero me kinakalantari kang iba or kinakalantari ka ng iba? Naman!

Siguro nga IMMORAL ako! Pero hindi ako gagalaw sa galaw na gusto ng mga kriteko! Ayokong mamatay na lang na naging ROBOTICS ang buong buhay ko, ayokong magkunwari na santa ako pero deep inside me ay maldita ako.

Bakit ba di natin matutunang tanggapin ang tao kung sa ano siya at sa kung san siya masaya? Kailangan lagi na lang isa alang alang ang mga taong nasa paligid niya ngunit ni hindi ka naman tumatakbo sa mga utak nila.

Hindi pare-pareho ang tao... Pero isa lang ang alam ko hindi ka na manghuhula kung ano ang nasa loob ko. Minsan mahirap maging Pilipino eh... pero siguro nga nasa tao na lang din yan! Kung gaano kakitid o kabukas ang utak nila! Hindi ako proud na madumi ako, nagiging totoo lang po ako. Kung kinakahiya niu mang naging bahagi ako ng buhay niu o kahit ng pang araw-araw niu....Patawad na lang, sadyang ganito lang ako.

Usaping MORALIDAD, napakalalim nyan... Pero hahanga ako sau kung kaya mong sabihin sa akin na ni minsan o ni isang segundo ng buhay mo ay di ka naging immoral? Kasi kahit san ka lumingon may usaping babatikos sa moralidad mo, lahat ng kilos, salita ay sinasaklaw nito. Ang totoo kahit maperpekto mo pa ang paggalaw na naaayon sa HUMAN NORM, me maririnig at maririnig ka pa rin. Ngayon isigaw mo nga na ni minsan di ka naging IMMORAL!

LET'S ENJOY LIFE!

Kapag sinasabi ko itong pangungusap na ito, daming nagrereact! Sabi ng iba, " Si Sam pasarap na lang ng pasarap!". Yung iba naman ang sabi, " Nakakatuwa ka naman kasi kahit mahirap buhay nagpapasarap ka!" . Teka nga lang, liwanagin natin ang mga tutatakbo sa utak niyo sa pangungusap na yan. Kaya di nakakapagtaka kung bakit minsan nagsasapakan na lang ang mga tao dahil sa di pagkakaunawaan. Isisiwalat ko lahat ng mga nalalaman ko na nakapaloob sa mga katagang LET'S ENJOY LIFE ( actually ito ang mga saktong naiisip ko everytime na sinasabi o sinusulat ko yan).

1. Kapag nagigising ako sa umaga, dumidiretso ako sa salamin at tinatanggal ko ang aking muta sabay bigkas ng " BUHAY KA PA, MALDITA KA TALAGA PERO MAGANDA KA NGAYON HA!" Di ba ENJOY talagang nagigising ka pa sa umaga? At least me time pa ako para magbago, ngumiti, magtrabaho at me pagasa pa akong mababago ko ang mundo ko. (:
2. Pag labas ko ng Villa namin makikita ko si MUNING na binabati ako ng NGIYAW.
3. Sa paglalakad ko, makikita ko ang mga puno, ang iba sa kanila nalalanta na kasi naman di ba medyo mainit talaga sa UAE pero patuloy pa rin silang nakatayo. Para bang larawan ng PAGASA na sa mga susunod na araw ay gaganda din sila.
4. Sa patuloy na paghakbang ng paa ko patungo sa lugar na pinaglilingkuran ko, kasabay ko ang mga ibon na nagliliparan dumadapo kung saan saan, humuhuni na para bang kumakanta ng " HABANG MAY BUHAY"
5. Me mga bulaklak ka na madadaanan na naggagandahan, nakabuka, nagliliwanag ang mga kulay. Mind you mainit talaga sa Abu Dhabi pero ang gaganda pa rin nila. Kaya mo bang ngumiti sa arawan ng 12hrs? OO nga naman! Si Sam naman nagpapatawa! Kasi bulaklak naman sila at tao ka! Pero minsan mas nakakatuwa pa ang bulaklak kesa tao, sila me buhay sila pero wala silang utak pero nakakaya nilang ngitian ang buhay kahit nahihirapan sila.
6. Ang mga paru paro na nabubuhay lang ng ilang araw ( 48 hrs nga lang yata! Sorry medyo nakalimutan ko na ito...iresearch niyo na lang ). Mula sa uod papuntang magandang paru-paro! Wala pang salamat doktor yun! Normal na ganda ang pinamamalas niya sa atin. Kahit alam niyang maikli lang ang buhay, patuloy pa rin niyang ipinapakita ang kagandahan niya.
7. Pag dating ko sa lugar na patutunguhan ko, sasalubungin ako ng tawa ng mga batang nagtatakbuhan. Yung iba nadadapa, bumabangon at ngumingiti ulit, yung iba naman walang tigil na sa kakangawa.
8. Didiretso ako sa STARBUCKS, oorder ng KAPE. Alam niyo ba na hindi ang kape ng Starbucks ang gusto ko kundi ang amoy ng aroma ng kape at ang mga ngiti ng mga CREW dito ang dahilan ng paggastos ko ng 12 dirhams sa araw araw.
9. ENJOY akong makita ang mga taong nakangiti sa akin kahit alam ko na me kanya kanya kaming pighati at kalungkutan.
10. Sinungaling naman ako kung sasabihin ko na di ako ENJOY kapag nakakabili ako ng mga materyal na bagay na gusto ko ngunit di ko ito binibilang sa ENJOYMENT ko.

Ang ENJOYMENT para sa akin ay ang mga bagay na nagpapasaya sa akin na di ko kailangang bayaran. Di ba sabi nga nila MASARAP PAG LIBRE! Madaming nangyayari sa paligid natin na nakakapagbigay ng NGITI, PAGASA at di lahat yan ay sa materyal na bagay.

Minsan may kaibigan ako na nagsabi sa akin " ALAM MO SAM, MINSAN GUSTO KO NG MANIWALA NA DI AKO MAHAL NG DIYOS KASI DI MAN LANG NIYA AKO BIGYAN NG MILAGRO! "

Ngumiti ako na para bang nanguuyam ako, umiling ako at nagsalita ng pangaasar na ganito ( sanay na sila sa pagiging taklesa ng bibig ko dito!) TANGA KA LANG! DUMILAT KA KASI! NAPAPALIGIRAN KA NA NG MILAGRO!

Simple lang ang buhay, madali lang mabuhay! Kailangan lang talaga dumilat tayo, luminga at pahalagahan ang mga simpleng bagay na magpapangiti sa atin.

ENJOY MABUHAY! Maniwala ka!

Ang Sigaw ng OFW

Nuong mga panahon na nabibilang ako sa mga taong nasa Pinas lang at napapaligiran ng mga kamaganak, kaibigan at kapitbahay na nag aabroad, madami din akong di maintindihan. Hindi ko alam kung aaminin niu ng katulad ng pagamin ko ang mga sumusunod.

1. Hindi ko maintindihan kapag ang mga kamaganak ko na dumating o bumisita galing abroad ay nagtatago sa amin.
2. Hindi ko maintindihan kung bakit ni isang tsokolate ay hindi kayang mamahagi ng kapitbahay ko.
3. Hindi ko maintindihan kung bakit lagi ko na lang naririnig ang salitang ito " Pasensya na, wala nga akong pera eh!"
4. Hindi ko maintindihan kung bakit ang tagal na ng iba sa kanila sa abroad ay baon pa rin sila sa utang sa Pinas.
5. Hindi ko maintindihan kung bakit puro pera at pera ang usapin ng mga nag-aabroad. Puro wala,wala wala!

Basta ang nasa utak ko ay MADAMOT SILA!!!

Ngayong nabibilang na ako sa OFW, na tinatawag nilang bayani ng bayan, para akong sinampal ng mga kasagutan sa katanungan kong iyon. Hindi naman pala masarap ang pakiramdam ng mga nagaabroad. Bakit? Sige, isa-isahin natin.

1. Kapag nalaman niu ang eksaktong figures ng kinikita namin... malamang malula kayo! Kaya lang dapat niu ring malaman na umuupa kami ng bahay, transpo allowance, meal alloewance, napkin expenses, make-up expenses at kung anu-ano pa. Huwag niu kasi tingnan ang GROSS, lagi niung alamin kung ano ang NET!
2. Isang buwan kaming baliw na baliw sa paulit-ulit na gawain. Minsan di ko na nga maintindihan kung lumalabas pa ba si Haring Araw at kung anong oras ba siya lumulubog.
3. At ang isang buwan na paghihintay ng kung ano man ang aming sasahurin, ang mga paa namin diretso na sa padalahan, bayad ke ganito at ke ganyan, bayad sa load, bayad sa carlift, bayad sa renta... bayad at bayad. Mainam na tumagal ang SWELDO na yun sa kamay mo ng 5 minuto.
4. Kung me tinatawag na ONE DAY MILLIONAIRE, ako FIVE MINUTES MILLIONAIRE!
5. Sa Pinas, pag tamad kang pumasok... me sick leave! Actually meron din naman dito, ang tanong lang eh paano kung sa katulad ng kaso ko na ang SHOP na pinaglilingkuran ko ay ONE MAN SHOW? Malamang di mo maiisip na me sakit ka, dahil tiyak MAGMUMULTA KA!
6. Sa Pinas pwede mong gayahin si JUAN TAMAD, dito naku tiyak pupulutin ka sa kangkungan.
7. Madaming nangyayare dito na kailangan mo na lang yakapin dahil wala ka namang choice katulad ng KLIMA, PAGKAIN, KULTURA.
8. Madalas pa ang lakas ng deskriminasyon sa Pinoy kahit saan. Feeling nila TANGA ang mga pinoy! Pero kung sa tutuusin sa isang taon ko na pamamalagi dito...isa lang ang lagi kung tinatanong sa sarili ko " KUNG TANGA AKO, ANO PA ANG TAWAG SAU?"
9. Madalas ang usapin dito ay puro pera din, paano ba naman katapat lang ng tindahan ko si AL FARDHAN ( ang padalahan). Karamihan sa kakabayan ko, tinatawag kong ON LINE BANK! Kasi naman pag tumawag ang mga nasa Pinas, kailangan ora mismo, sumigaw ka na ng PRESENT ke AL FARDHAN.
10. Ang masakit pa, ang mga text o tawag na inaasahan nila mula sa mga MAHAL nila sa buhay ay nangyayare lang kapag meron silang pangangailangan. (Oooops! sige di ko naman nilalahat pero masakit mang tanggapin MOST of them ay ganun talaga.)
11. Ang sarap pakinggan " I LOVE YOU MA!" " MAGIINGAT KA LAGI NAY!" " MAHAL NA MAHAL KITA KUYA!". Ang kadugtung ng dialogue na yan ang hintayin mo kasi yun ang aantig at magpapnginig sau! (ex: Bayaran ng ganito, Putol si Meralco, Need na ng shoes, Bagong celphone, Nakagat ako ng aso!, Pambirthday ni ganire...namatayan ng aso si Pareng Tasyo! and so on and so forth)

Masarap lang pakinggan na nasa ibang bansa ka, Me yabang na dulot sa pamilyang naiwan sa Pinas, Me Nike shoes ang mga Kuya, Me CALVIN KLEIN na pabango ang mga ATE. Pero di masarap! Ang pag-aabroad parang ULAM na kahit ilang beses mo ilagay sa FRIDGE eh kailangan mong init-initin kasi wala ng ibang puwedeng maiulam. Sa ibang lengguwahe, pwede na yan kesa WALA!

Sa 100% na OFW, siguro mabibilang mo lang ang mga di nagsinungaling! Lahat kami, pag tinanong mo ng HOW ARE U? ang sagot IM FINE! Kapag kausap ang pamilya " KAMUSTA KA?" ang sagot ay " MABUTI NAMAN!" ( minsan nga gusto ko na lang irecord sa cel ko yang sagot na yan at i-auto play) pero ang totoo hindi nga kami FINE, di rin kami MABUTI. Ang lungkot-lungkot kaya! Ang totoo nyan ayaw lang namin na nagaalala pa kau sa amin kaya dapat ganun lang ang DIALOGUE!

Dakila ang mga OFW! Sinasabi ko ito, hindi dahil nabibilang na ako sa kanila kasi alam ko marami pa akong bigas na kakainin para marating ang mga narating nila ( Or should i say MARAMI PA AKONG DAPAT TIISIN BAGO MAPANTAYAN ANG MGA NATIIS NILA!).

So sa mga anak, na ang magulang ay nasa ibang bansa... ang tanging hiling lang namin ay TAGUMPAY! Hindi namin hinihingi na suklian niu kung ano man ang binigay at maibibigay namin. Kailangan lang na pahalagahan niu ang mga oras na tinitiis namin ang mga gabi na di namin kayo katabi, na halos nararamdaman namin na wala kaming kakampi, na kailangang maging matapang kami sa lahat ng oras. Ibigay niu naman sa amin ang EKSAKTONG kadahilanan kung bakit kami nandito.

Bakit nga ba kami nandito? Trip lang ba ito? Gusto lang ba naman kayong iwan? Gising mga anak! Imulat niyo ang inyong mga mata. Ang paglisan naman sa bansang sinilangan ay di simbolo ng NIKE SHOES, LV o ng CALVIN KLEIN, ito ay simbolo ng KINABUKASAN niyo.

Hindi ko na hinahangad na yumaman pa sa pag aabroad na ito, gusto ko lang maitama ang kinabukasan ng mga naiwan ko. Kung hanggang kailan ako mag-aabroad? Hindi ko alam! Pero sana di naman namin pagsisihan ang mga ginagawa naming pagluha ngayon.

MABUHAY ANG OFW!