Sunday, 21 October 2012

LET'S ENJOY LIFE!

Kapag sinasabi ko itong pangungusap na ito, daming nagrereact! Sabi ng iba, " Si Sam pasarap na lang ng pasarap!". Yung iba naman ang sabi, " Nakakatuwa ka naman kasi kahit mahirap buhay nagpapasarap ka!" . Teka nga lang, liwanagin natin ang mga tutatakbo sa utak niyo sa pangungusap na yan. Kaya di nakakapagtaka kung bakit minsan nagsasapakan na lang ang mga tao dahil sa di pagkakaunawaan. Isisiwalat ko lahat ng mga nalalaman ko na nakapaloob sa mga katagang LET'S ENJOY LIFE ( actually ito ang mga saktong naiisip ko everytime na sinasabi o sinusulat ko yan).

1. Kapag nagigising ako sa umaga, dumidiretso ako sa salamin at tinatanggal ko ang aking muta sabay bigkas ng " BUHAY KA PA, MALDITA KA TALAGA PERO MAGANDA KA NGAYON HA!" Di ba ENJOY talagang nagigising ka pa sa umaga? At least me time pa ako para magbago, ngumiti, magtrabaho at me pagasa pa akong mababago ko ang mundo ko. (:
2. Pag labas ko ng Villa namin makikita ko si MUNING na binabati ako ng NGIYAW.
3. Sa paglalakad ko, makikita ko ang mga puno, ang iba sa kanila nalalanta na kasi naman di ba medyo mainit talaga sa UAE pero patuloy pa rin silang nakatayo. Para bang larawan ng PAGASA na sa mga susunod na araw ay gaganda din sila.
4. Sa patuloy na paghakbang ng paa ko patungo sa lugar na pinaglilingkuran ko, kasabay ko ang mga ibon na nagliliparan dumadapo kung saan saan, humuhuni na para bang kumakanta ng " HABANG MAY BUHAY"
5. Me mga bulaklak ka na madadaanan na naggagandahan, nakabuka, nagliliwanag ang mga kulay. Mind you mainit talaga sa Abu Dhabi pero ang gaganda pa rin nila. Kaya mo bang ngumiti sa arawan ng 12hrs? OO nga naman! Si Sam naman nagpapatawa! Kasi bulaklak naman sila at tao ka! Pero minsan mas nakakatuwa pa ang bulaklak kesa tao, sila me buhay sila pero wala silang utak pero nakakaya nilang ngitian ang buhay kahit nahihirapan sila.
6. Ang mga paru paro na nabubuhay lang ng ilang araw ( 48 hrs nga lang yata! Sorry medyo nakalimutan ko na ito...iresearch niyo na lang ). Mula sa uod papuntang magandang paru-paro! Wala pang salamat doktor yun! Normal na ganda ang pinamamalas niya sa atin. Kahit alam niyang maikli lang ang buhay, patuloy pa rin niyang ipinapakita ang kagandahan niya.
7. Pag dating ko sa lugar na patutunguhan ko, sasalubungin ako ng tawa ng mga batang nagtatakbuhan. Yung iba nadadapa, bumabangon at ngumingiti ulit, yung iba naman walang tigil na sa kakangawa.
8. Didiretso ako sa STARBUCKS, oorder ng KAPE. Alam niyo ba na hindi ang kape ng Starbucks ang gusto ko kundi ang amoy ng aroma ng kape at ang mga ngiti ng mga CREW dito ang dahilan ng paggastos ko ng 12 dirhams sa araw araw.
9. ENJOY akong makita ang mga taong nakangiti sa akin kahit alam ko na me kanya kanya kaming pighati at kalungkutan.
10. Sinungaling naman ako kung sasabihin ko na di ako ENJOY kapag nakakabili ako ng mga materyal na bagay na gusto ko ngunit di ko ito binibilang sa ENJOYMENT ko.

Ang ENJOYMENT para sa akin ay ang mga bagay na nagpapasaya sa akin na di ko kailangang bayaran. Di ba sabi nga nila MASARAP PAG LIBRE! Madaming nangyayari sa paligid natin na nakakapagbigay ng NGITI, PAGASA at di lahat yan ay sa materyal na bagay.

Minsan may kaibigan ako na nagsabi sa akin " ALAM MO SAM, MINSAN GUSTO KO NG MANIWALA NA DI AKO MAHAL NG DIYOS KASI DI MAN LANG NIYA AKO BIGYAN NG MILAGRO! "

Ngumiti ako na para bang nanguuyam ako, umiling ako at nagsalita ng pangaasar na ganito ( sanay na sila sa pagiging taklesa ng bibig ko dito!) TANGA KA LANG! DUMILAT KA KASI! NAPAPALIGIRAN KA NA NG MILAGRO!

Simple lang ang buhay, madali lang mabuhay! Kailangan lang talaga dumilat tayo, luminga at pahalagahan ang mga simpleng bagay na magpapangiti sa atin.

ENJOY MABUHAY! Maniwala ka!

No comments:

Post a Comment